21.3 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

Ilocos Sur Research Center, nakilahok sa “LAB for ALL” Caravan sa Candon City

Nakilahok ang Department of Agriculture Regional Field Office 1 (DA-RFO1) sa pamamagitan ng Ilocos Sur Research Center (ISReC) sa programang “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat” o LAB for ALL na ginanap sa Candon City Arena noong Agosto 12, 2025.

Ang inisyatiba, na pinangungunahan ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos, ay layong maghatid ng libreng health check-up at konsultasyon para sa mga residente ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Sur. Bilang suporta sa programa, namahagi ang DA-RFO1-ISReC ng mga libreng punla ng puno na namumunga, forages, at mga information, education, and communication (IEC) materials sa mga mamamayan ng Candon City.

Bukod sa serbisyong pangkalusugan, tampok din sa aktibidad ang makulay na mini-trade fair na nagbigay ng pagkakataon sa mga lokal na negosyante na maipakita ang kanilang produkto, makakuha ng tulong sa pagpaparehistro ng negosyo, makapagpayo ukol sa pagpapatakbo ng negosyo, at makakuha ng suporta sa pananalapi.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles