16.1 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

SODEX Program ng DSWD III, isinagawa

Isinagawa ng mga tauhan ng Department od Social Welfare and Develoment Field Office III, ang Serbisyong Family Planning Service Outreach and Distribution Extension (SODEX) Program na layuning palakasin ang kaalaman ng mamamayan hinggil sa kahalagahan ng Family Planning at pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan, partikular sa hanay ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng San Miguel, Bulacan nito lamang Agosto 1, 2025.

Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD Field Office 3 – Gitnang Luzon Municipal Action Team (MAT), Municipal Health Office ng San Miguel, DKT Philippines Foundation, at ng Commission on Population and Development (CPD).

Sa isinagawang aktibidad, limang 4Ps beneficiaries ang matagumpay na nakatanggap ng libreng ligation procedure bilang bahagi ng kanilang pasya para sa mas responsableng pagpapamilya.

Isa namang benepisyaryo ang nabigyan ng medical check-up at libreng gamot bilang bahagi ng programang pangkalusugan.

Layunin ng SODEX Program na maihatid sa mga komunidad ang mga de-kalidad at abot-kayang serbisyo ukol sa reproductive health, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan.

Patunay ito ng mas pinaigting na ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor upang maitaguyod ang isang mas malusog, maalam, at planadong pamayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles