Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga Family Food Packs sa mga jeepney drivers sa Amphitheater New Malolos City, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-1 ng Agosto 2025.
Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni Assistant Secretary Irene Dumlao ng DSWD, katuwang sina Director Venus F. Rebuldela, Assistant Regional Director for Operations Armont Pecina ng DSWD Region 3, at Kapitan Obet Martin ng Jeepney Operators and Drivers Association.


Layunin ng aktibidad na maibsan ang hirap na dinaranas ng mga jeepney driver sa pamamagitan ng agarang tulong mula sa pamahalaan, at maipadama sa kanila ang malasakit at pagdamay ng buong sambayanan sa panahon ng pagsubok.
Patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng DSWD upang matiyak na walang Maloleño ang mapag-iiwanan sa panahon ng krisis.




