24.9 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Tulong Agad: Relief Operations sa Pangasinan at La Union

Patuloy ang ayuda ng pamahalaan sa mga apektado ng matinding ulan at pagbaha sa Pangasinan at La Union.

Ayon kay DSWD-1 Regional Director Marie Angela Gopalan, 12,260 family food packs ang naipamahagi sa Pangasinan at 4,514 food at non-food items sa La Union. Gumagamit din sila ng mobile kitchen upang makapagbigay ng mainit na pagkain sa mga evacuees.

May PHP78.6 milyon halaga ng ayuda at Php3 Milyon standby funds ang nakaabang para sa rehiyon.

Iniulat naman ni OCD-1 chief Laurence Mina ang tuloy-tuloy na pamamahagi ng relief packs. Nagbigay rin ang DOH ng libreng konsultasyon, gamot, at bitamina sa mga evacuation center.

Samantala, DPWH Region 1 ay nagpadala ng dump trucks upang ihatid ang 1,000 food packs at hygiene kits mula La Union patungong Lingayen, Pangasinan.

Layon ng mga hakbanging ito na agad matulungan ang mga biktima ng pagbaha sa rehiyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles