23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Bagong Satellite Office ng DSWD FO 1, binuksan sa Agoo, La Union

Opisyal nang binuksan ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) ang pinakabagong Satellite Office nito sa bayan ng Agoo, La Union.

Ang bagong tanggapan ay strategically na itinayo upang direktang mapagsilbihan ang mga benepisyaryo mula sa Second District ng La Union, na kadalasang nahihirapang magtungo sa Regional Office sa Lungsod ng San Fernando.

Pinangunahan mismo ni DSWD FO 1 Regional Director Marie Angela S. Gopalan ang pagbubukas ng Satellite Office.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni RD Gopalan ang kahalagahan ng bagong pasilidad sa pagpapadali ng serbisyo para sa mga nangangailangan.

Ito na ang ikasiyam (9) na Satellite Office ng DSWD FO 1 sa buong Region 1, at ang kauna-unahan sa lalawigan ng La Union.

Patuloy na isinusulong ng DSWD FO 1 ang pagpapalawak ng kanilang serbisyo upang mas maging accessible ang ayuda at iba pang programa ng kagawaran para sa mga Pilipinong nangangailangan.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles