Nagsipagtapos sa kolehiyo ang limang benepisyaryo ng Enhanced Education Program ng Mountain Province Provincial Mobile Force Company sa pamamagitan ng Commencement Exercises na ginanap sa Mountain Province State University at Bontoc Central School noong Hunyo 3-4, 2025.
Kinilala ang mga benepisyaryo ng Enhanced Education Program na sina Gina M. Arboleras, nagtapos ng Bachelor of Science in Information Technolog; Shivon C. Padsing – Bachelor of Science in Hospitality Management; Jocer F. Lingwayen – Bachelor of Science sa Criminology; Flozer B. Ganggangan – Bachelor of Science in Criminology; at Hannah Mae Y. Maskay – Bachelor of Science in Business Administration, Major in Financial Management.


Ang proyekto ay naglalayong tulungan ang mga karapat-dapat na estudyante sa pamamagitan ng buwanang suporta, at magbigay inspirasyon sa mga estudyante na magtagumpay sa akademiko at i-develop bilang mga produktibong miyembro ng isang mapayapang komunidad.
Samantala, nagpahayag ng pagmamalaki at pagbati ang ang Mt. Province PMFC, sa tagumpay ng mga estudyante maging ang kanilang programang Enhanced Education Program.
Ang pangunahing programang ito ng Mt. Province PMFC, ay nagsusulong ng edukasyon bilang isang makapangyarihang kasangkapan para sa kapayapaan, pag-unlad, at pag-unlad ng bansa.

