18.3 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Cordillera, nangunguna sa functional literacy sa buong bansa

Ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Cordillera Administrative Region ang nagtala ng pinakamataas na antas ng functional literacy sa Pilipinas taong 2024 na umabot sa 81.2%, ang pinakamataas sa 17 rehiyon ng bansa.

Ang functional literacy ay tumutukoy sa kakayahang bumasa, sumulat, magkwenta, at umunawa, na mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay at aktibong pakikilahok sa Lipunan at higit pa ito sa simpleng pagbasa at pagsulat dahil kinapapalooban din ito ng kakayahang umintindi ng mga tagubilin, pagsagot sa mga porma, at paggamit ng datos na may kaugnayan sa numero.

Sa loob ng CAR, ang lalawigan ng Benguet ang nanguna sa buong bansa sa antas ng functional literacy, na nagtala ng kahanga-hangang 87.9% na nagpapakita ng matibay na pagtutok ng lalawigan sa edukasyon at patuloy na pagsuporta sa mga inisyatibo sa pagbasa at pagkatuto sa komunidad.

Ayon sa mga lokal na opisyal ng edukasyon, bunga ito ng matatag na ugnayan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, mga paaralan, at mga alternatibong programang pang-edukasyon sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

Dagdag pa, malaking ambag din ang mga programang nakatuon sa edukasyon para sa matatanda, mga katutubong sistema ng pagkatuto, at inklusibong edukasyon.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay para sa Cordillera, kundi isa ring inspirasyon para sa iba pang mga rehiyon na nagsusumikap mapabuti ang antas ng literasiya sa kanilang mga nasasakupan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles