Muling umarangkada ang Summer Workshop para sa mga kabataang gustong matuto ng guitara at keyboard organ sa Porac, Pampanga nito lamang Huwebes ika-8 ng Mayo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Hon. Angelo B. David, SK President ng Porac na sinuportahan ni Hon. Francis Laurence Tamayo, Local Chief Executive (LCE) at ng Porac Administration.
Isinagawa ang nasabing programa sa pamamagitan ng guitar, vocal at keyboard lessons na magsisilbing tulong upang lalong mapahusay ang mga talento ng mga kabataan sa nasabing lugar.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Porac sa pagsasagawa ng ganitong programa upang matulungan ang mga bata na makatuklas ng kanilang natatanging talento at ma-enhance ang mga ito para sa maayos na kinabukasan.
