Nagtala ng zero casualty ang lokal na pamahalaan ng Bolinao sa pamumuno ni Mayor Alfonso F. Celeste nitong katatapos lang na Semana Santa kung saan dinagsa ng mga turista ang naturang bayan dahil sa angking ganda ng mga falls at white sand beach nito na kilala sa tawag na “Patar Beach.”


Taos-pusong nagpapasalamat ang alkalde sa lahat ng nag-ambag sa matagumpay at ligtas na pagdiriwang ng Semana Santa 2025 lalo na sa pamumuno ni Incident Commander Erwin Caguioa at ng buong Oplan Semana Santa Team na kinabibilangan ng PNP, BFP, empleyado ng LGU, konseho ng barangay, stakeholder ng turismo, mga manggagawang medikal, mga volunteers, at mga sponsors ng pagkain at tubig.
Malaki ang naging papel din ng mga turista na masigasig na sumunod sa mahigpit na alituntunin ng nasabing bayan na naging daan upag mapanatiling ligtas at maayos ang kapaligiran.
Mananatiling pursigido ang Bolinao LGU upang sa lahat ng oras ay mapanatiling ligtas ang lahat lalo na ang mga bumubisita sa mga tagong likas na yaman ng Bolinao.
Source: Bolinao Tourism and Information Office