Binuksan ngayong araw, Abril 3, 2025 ang Endless Fun Cagayan Trade and Travel Fair ng Cagayan Tourism Office sa SM City Tuguegarao, Cagayan.
Bahagi ng programa ang Private Schools Athletic Association (PRISAA) Meet 2025 na kasalukuyang nagaganap sa lalawigan.



Ibinida sa kanya-kanyang booth ng iba’t ibang bayan ang kani-kanilang mga local products kabilang ang food, souvenir items, at iba pang produkto.
Pinasalamatan ni Provincial Tourism Officer Jennifer Junio-Baquiran sa National PRISAA dahil aniya malaking tulong ang pagdagsa ng mga atleta at iba pang bisita sa turismo ng lalawigan.
Samantala, maliban sa SM City Tuguegarao, may Trade Fair din na nagaganap sa Children’s Park sa Cagayan Coliseum na magtatagal hanggang Abril 11, 2025.
Inaanyayahan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang lahat ng bisita na makilahok sa naturang programa upang makilala at makita ang ganda ng probinsya.
Source: Cagayan Provincial Information Office