Sumuko ang 10 tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, Marso 14, 2025.
Napag-alaman na ang mga sumuko ay mga miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa ilalim ng Alyansang Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (AMGL).
Nanumpa at lumagda rin ang NPA supporters ng Oath of Allegiance to the Government tanda ng pagtalikod nito sa teroristang grupo.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang pamilya.