Matagumpay na isinagawa ang ika-9 na Ecological Waste Management Sustainability Fair bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan na ginanap sa Malcolm Square, Baguio City nito lamang Marso 16, 2025.
Ang programa ay pinangunahan nina Mayor Benjamin Magalong, Konsehal Betty Lourdes Tabanda, at iba pang kinatawan mula sa City Environment and Parks Management Office (CEPMO), Zero Waste Baguio, at iba pang departamento na sumusuporta sa adbokasiya ng pangangalaga sa kalikasan.

Tampok sa fair ang iba’t ibang aktibidad tulad ng composting demonstrations, koleksyon ng electronic waste, pangangalap ng reusable containers, pagpapakita ng mga upcycled at recycled na produkto, pati na rin ang pagtanggap ng household donations upang hikayatin ang mas maraming mamamayan na makiisa sa wastong pangangasiwa ng basura.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na isinusulong ng lungsod ng Baguio ang pagiging eco-friendly at ang pangangalaga sa ating kalikasan para sa susunod na henerasyon.
