14.9 C
Baguio City
Saturday, March 15, 2025
spot_img

Vice-Squad Leader ng NPA, timbog sa kasong pagpatay sa Ifugao

Timbog ang isang vice-squad leader ng New People’s Army (NPA) sa Camp Col. Joaquin P Dunuan, Poblacion North, Lagawe, Ifugao bandang 4:30 ng hapon nito lamang ika-12 ng Marso 2025.

Kinilala ang sumuko na si “Ka Diway”, Vice Squad Leader ng Section Committee 1 sa ilalim ng Abraham Bannawagan Command ng Kilusang Larangang Guerilla Baggas at sangkot sa mga marahas na aktibidad at propaganda sa rehiyon ng Cordillera mula 1995 hanggang 2017.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Nobyembre 24, 2017, ng Regional Trial Court, Branch 14, Lagawe, Ifugao para sa iba’t ibang kaso ng pagpatay na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kaayusan ng publiko mula sa anumang uri ng kriminalidad at terorismo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles