Idinaos ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Payout Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang ang Violence Against Women and Children (VAWC) Desk Officers, mga may kapansanan (PWDs), at kababaihang may sakit na cancer katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa Bren Z. Guiao Convention Center, Pampanga nito lamang Lunes, ika-10 ng Marso 2025.
Pinangunahan nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia” Nanay” Pineda, at Congw. Gloria M Arroyo, ang naturang pagtitipon upang personal na iparamdam ang kanilang pagmamalasakit at suporta sa mga kababaihan ng Pampanga.

Nagpahayag din ng kanilang pakikiisa at suporta sa mga kababaihan sina Board Members Fritzie David-Dizon, Sajid Khan Eusoof, Atty. Claire Lim, Cherry Manalo, at Pol Balingit.
Bilang bahagi ng programa, bawat isa sa mga dumalo ay tumanggap ng P3,000.00 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Bukod dito, nagbigay rin ang Kapitolyo ng food packs at hygiene kits bilang karagdagang suporta sa kanilang pangangailangan.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na malasakit ng pamahalaang panlalawigan sa mga kababaihan ng Pampanga, na nagsisilbing inspirasyon para sa mas inklusibo at makatarungang lipunan.