Nagsagawa ng fumigation ang pamahalaan ng Angeles City sa iba’t ibang paaralan ng lungsod nito lamang Lunes ika-8 ng Marso 2025.
Ang naturang aktibidad ay programa ng ama ng lungsod na si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., katuwang ang Angeles City Economic Development Investment Promotions Office (ACEDIPO) na pinamumunuan ni Irish Bonus-Llego.
Naging matagumpay ang pagsasagwa ng fumigation sa Angeles City Science High School, Air Force Elementary School at Angeles City Elementary School na lubos na ipinagpapaslamat ng mga guro at estudyante.
Layunin ng aktibidad na puksain at bawasan ang populasyon ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Kasabay nito, naipapaabot din sa mga estudyante ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan at pagsunod sa tamang mga hakbang upang maiwasan ang sakit na dulot ng mga lamok.
Ang ganitong hakbangin ay patunay lamang na ang mga lokal na pamahalaan ay patuloy na nagsusumikap upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mamamayan.
