17.1 C
Baguio City
Monday, March 10, 2025
spot_img

lLGU Tuguegarao, naghatid ng Basic Government Services sa ilalim ng Programang Barangay People’s Day

Muling umarangkada ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tuguegarao upang maghatid ng Basic Government Services sa ilalim ng programang Barangay People’s Day sa napiling Barangay ng Linao West, Tuguegarao City noong ika-8 ng Marso 2025.

Pinilahan ng mga senior citizens at mga bata ang naturang mga serbisyong inihatid tulad ng optical, dental at medical consultation ng City Health Office at Tuguegarao City People’s General Hospital na kung saan nakapagbigay ng libreng konsultasyon, libreng gamot at bitamina.

Nagbigay naman ng libreng legal consultation at notarial service ang City Legal Office habang umagapay naman ang Tricycle Regulation Unit sa mga tricycle drivers na nag-apply ng renewal ng kanilang prangkisa.

Scholarship registration naman ang inihandog ng Local Youth Development Office at Technical Education and Skills Development Authority.

Samantala, namahagi naman ang City Agriculture Office ng libreng mga gulay at seedlings maging ang tanggapan ng City Social Welfare and Development Office ay nagbigay ng relief goods.

Nakatanggap din ang mga bata ng school supplies at libreng gupit, masahe, manicure, at pedicure para naman sa mga matatanda.

Nakibahagi naman sa aktibidad ang DTI, PNP Tuguegarao, BFP, PhilHealth, PAG-IBIG, CAGELCO I, at MTWD.

Ang aktibidad ay personal na dinaluhan ni City Mayor Maila Ting-Que na kung saan kanyang binigyang diin ang dalawang programang kinakailangang bigyang pansin at sundin ang No Segregation, No Collection Policy at Aso Mo, Itali Mo.

Nagpasalamat naman si Barangay Captain Ricardo Quilang sa pagbibigay ng mga libreng serbisyo na malaking tulong sa mga residente ng Barangay Linao West.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles