Hatid ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para
sa mga Solo Parents at mga Indigent na pamilya katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa Bren Z. Guiao Convention Center, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-6 ng Marso 2025.
Personal na kinamusta nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda ang mga benepisyaryo, na kinabibilangan ng mga solo parent at indigent families mula sa Lungsod ng San Fernando, Bacolor, at Sta. Ana.
Nasa 1,909 na benepisyaryo ang nakatanggap ng ₱3,000 na tulong pinansyal mula sa DSWD at food packs mula sa Kapitolyo.

Ang AICS Program ay isang inisyatibo ng DSWD na nagbibigay ng agarang ayuda sa mga indibidwal o pamilyang dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay.
