16.4 C
Baguio City
Monday, March 10, 2025
spot_img

2,279 Benepisyaryo, tumanggap ng Rice Subsidy sa Isabela

Umabot sa 2,279 benepisyaryo mula sa mga bayan ng San Manuel at Burgos sa lalawigan ng Isabela ang tumanggap ng kanilang rice subsidy mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela nito lamang ika-5 ng Marso 2025.

Pinangunahan nina Cong. Allan U. Ty ng LPGMA Partylist at Mayor Kiko A. Dy ng Echague ang distribusyon, kasama ang iba pang lokal na opisyal na kumatawan kina Governor Rodito T. Albano at Vice Governor Faustino G. Dy.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga opisyal ng barangay, frontline workers, at miyembro ng marginalized sectors tulad ng TODA members, mangingisda, Persons With Disabilities (PWDs), at mga solo parents.

Ang ayudang ito ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaang panlalawigan upang magbigay ng pangunahing pangangailangan sa mga nangangailangang sektor.

Ang Rice Assistance Program ay nananatiling mahalagang inisyatiba sa Isabela na nagsisiguro na libu-libong pamilya ang nakatatanggap ng kinakailangang tulong sa pagkain.

Sa pamamagitan ng programang ito, pinapatibay ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang pangako na suportahan ang mga nasa laylayan ng lipunan at pangalagaan ang kapakanan ng bawat Isabeleño.

Source: Isabela PIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles