16.3 C
Baguio City
Monday, March 10, 2025
spot_img

2025 La Trinidad Strawberry Festival, pormal nang binuksan

Pormal nang binuksan ang Strawberry Festival 2025 sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony sa harap ng Municipal Tourism Building, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-3 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Romeo K. Salad, kasama ang panauhing tagapagsalita at dating Mayor Hilaron Pawid, mga ibang opisyal ng bayan at iba pang mga bisita.

Binigyan-diin ng panauhing tagapagsalita ang kanyang saloobin tungkol sa pagtangkilik sa produkto ng La Trinidad na madalas bansagan na produkto ng Baguio City at ang kahalagahan ng Strawberry Festival.

Bukod sa ribbon-cutting, opisyal na ring binuksan ang Strawberry Lane kung saan tampok ang iba’t ibang produkto mula sa Micro, Small and Medium Enterprises na may sangkap na strawberry.

Kasabay nito ay ang formal ding pagbubukas ng mas malaking trade fair na itinayo sa Km5. Parking area.

Ang Strawberry Festival, ay hindi lang simpleng pagdiriwang kundi isang mahalagang bahagi ng ekonomiya, kultura, at turismo ng La Trinidad.

Patuloy itong nagpapalakas ng lokal na industriya, nagpapalaganap ng kultura, at nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga residente at negosyante.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles