18.4 C
Baguio City
Monday, February 24, 2025
spot_img

Isa sa walong NPA na nahukay sa Maconacon, Isabela noong 2022, maiuuwi na sa Mindanao

Natuldukan na ang paghahanap ng mga naulilang pamilya ng isang kasapi ng NPA na mula pa sa Mindanao matapos mapag-alamang kasama ito sa walong nahukay na bangkay sa barangay Canadam, Maconacon, Isabela noong Hulyo 2022.

Samantala, sa panayam kay LTC Vladimir Garcilla, 95IB Commander, agad silang nakipag-ugnayan sa pamahalaang bayan ng Maconacon para sa pag-proseso ng pagkuha sa mga labi ni alyas “Dondon” at ibabyahe pauwi sa kaniyang pamilya sa lalong madaling panahon.

Ang mga labi ni Eliezer Geraldez Bulaybulay alyas Dondon ng Barangay Kawayanon, Makilala, North Cotabato ay namatay dahil sa pagkakasakit at matinding gutom na epekto ng sunod-sunod na focus military operations at combat pressure sa kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya.

Taong 2016 pumasok si Dondon sa NPA sa Makilala North Cotabato bilang Team Leader ng front 72 Far South Mindanao Region (FSMR). Mula noon ay hindi na nila nakita at nakausap ang kapatid.

Batay naman sa pahayag ng mga nagbalik-loob na kasama, noong 2017, nagtungo sa Maynila si Dondon at naatasan na dumugtong sa Regional Sentro De Gravidad sa pagitan ng Aurora-Quirino sa ilalim ni Rosalio Canlubas o “Ka Yuni” na pinuno ng RSDG na nasawi rin sa isang engkwentro sa San Guillermo, Isabela.

Samantala, lubos na nagpapasalamat ang pamilya ni Dondon dahil sa wakas ay maiuuwi na nila ang mga labi niya at mabigyan ng maayos na libing sa kanilang lugar. Panawagan nya sa mga nagrekrut sa kanyang kapatid na bumaba na dahil kamatayan ang kanilang mapapala sa pagsama sa kilusan.

Mananatili namang bukas ang pamunuan ng 5th Infantry Division sa pamilya ng mga nasawing NPA na hindi pa rin nakukuha ng kanilang mga pamilya. Karapatan ng bawat tao na mabigyan ng disenteng libing sa kabila ng pagiging biktima ng mga komunistang Teroristang NPA.

source: 5Th ID PA

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles