19.4 C
Baguio City
Saturday, February 22, 2025
spot_img

LGU Tuguegarao, naghandog ng mga Bitamina at Dog Food para sa K9 Unit ng PNP Aviation Security

Naghandog ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ng 15 sako ng dog food at anim na bote ng bitamina para sa K9 Unit Dogs ng PNP Aviation Security Group ng Tuguegarao City Airport na ginanap sa harap ng Tuguegarao City Hall nito lamang ika-17 ng Pebrero 2025.

Pinangunahan ni Chief of Staff Atty. Renz Angelo Umambong, bilang kinatawan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, ang nasabing aktibidad at tinanggap naman ni PCMS Banguibang bilang kinatawan ng PNP Aviation Security Group.

Layunin ng LGU Tuguegarao na suportahan ang kapakanan at kalusugan ng mga K9 Unit Dogs upang mapanatili ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga pangangailangan sa seguridad.

Bilang bahagi ng kanilang pangako sa seguridad at kaayusan, layunin ng LGU Tuguegarao at PNP Aviation Security na tiyakin ang epektibong operasyon ng K9 Unit para sa kaligtasan ng publiko sa Tuguegarao City Airport.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles