Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang blood donation at bloodletting event sa Barangay Tue, Tadian, Mountain Province nito lamang ika-17 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Ruth Ann Balaoas, katuwang ang Barangay Local Government Unit, Barangay Health Workers at mga volunteers.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang paghahanda para sa mga lubhang nangangailangan ng dugo at upang mapanatili ang sapat na suplay para sa mga emergency.
Ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa pananatili ng kalusugan ng donor at pagtutok upang matiyak na mayroong access sa mga life-saving na paggamot para sa mga nangangailangan.
