16 C
Baguio City
Wednesday, February 12, 2025
spot_img

70 CAFGU Auxiliary sa Cagayan, nabigyan ng tulong mula sa DSWD

Tumanggap ng tulong pinansyal ang 70 na kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa ilalim ng 17th Infantry “Do or Die” Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army mula sa DSWD Field Office 02 sa bayan ng Lal-lo, Cagayan noong ika-8 ng Pebrero 2025.

Pinangunahan ni DSWD Field Office 02 Regional Director Lucia Suyu-Alan ang paggawad ng Php4,000 halaga ng tulong pinansyal at 70 na family food packs. Kasama din dito sina 17 IB Commanding Officer LtC Ford Alsiyao, Maj Matthew Daniel, Executive Officer ng 17 IB, at Capt Mark Capiyoc ng 95 Infantry “Salaknib” Battalion.

Ayon kay Gidion Cariazo, 54, mula sa bayan ng Piat na siya ring pinakamatanda sa grupo, malaking tulong ang financial assistance lalo at hindi kalakihan ang cash allowance na natatanggap mula sa kanilang hanay. Ibibigay raw niya ito sa kaniyang anak na malapit nang magtapos sa kolehiyo.

“Pumasok ako sa CAFGU dahil gusto kong makatulong sa pagkamit ng kapayapaan. Mahirap dahil buwis-buhay pero para sa aking nag-iisang babaeng anak na malapit nang grumaduate. Kaya na-high moral ako noong nalamang pupuntahan kami ng DSWD dahil may ibibigay ako sa kaniya na pang-matrikula, allowance at para na rin sa kanyang mga project”, ani ni Cariazo.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni RD Alan na mahalaga ang kanilang kontribusyon sa pagkamit ng kapayapaan. Dagdag pa niya, mahalagang maipadama na sila ay inaaruga para mas lalo pang gampanan ang tungkulin nang buong husay at may pagmamalasakit.

Source: DSWD Region II

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles