20.2 C
Baguio City
Saturday, February 1, 2025
spot_img

Financial Assistance at Rice Subsidy, ibinahagi sa Angeles City

Muling ibinahagi ng lokal na pamahalaan ang financial assistance at rice subsidy sa mga rehistradong solo parents ng Barangay Pandan, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-30 ng Enero 2025.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang City Social Welfare and Development Office na pinamunuan ni Mr. Francis De Guzman.

Ang mga nasabing benepisyaryo ay nakatanggap ng tig P1,000 at limang kilong bigas, na personal na iniaabot ni Mayor Lazatin sa pamamagitan ng house-to-house distribution.

Ang programa ay naglalayong magbigay ng pinansyal at pagkain na tulong sa mga rehistradong solo parents sa Barangay Pandan, upang matugunan ang kanilang pangangailangan at maibsan ang kanilang gastusin sa pang-araw-araw na buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles