Nakiisa ang ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa isinagawang Voter Education at Automated Counting Machine (ACM) demonstration ng Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng preparasyon para sa nalalapit na National and Local Elections
nito lamang ika-28 ng Enero 2025.
Ipinaliwanag ni Atty. Castillo ang kaibahan ng ACM sa Vote Counting Machine (VCM) na ginamit sa mga nakaraang halalan at ayon sa kanya, sa bagong mga makina, mas manipis ang papel na pambalota, at may lalabas na resibo upang makita ang bawat boto, ngunit tago pa rin ang pangalan ng botante.
Dagdag pa rito, mas matibay ang battery life ng ACM kaya hindi na magiging problema ang power interruption nito at naituro rin niya ang tamang paggamit ng ACM, na bagay na ikinatuwa ng mga kawani.
Ayon pa kay Atty. Castillo, wala namang naging aberya sa kanilang aktibidad, na nauna na ring isinagawa sa iba’t iba pang barangay sa probinsya
Samantala, nagpasalamat naman si Atty. Castillo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela dahil sa kooperasyong ipinakita sa kanilang aktibidad.
Source: Isabela PIO