14.3 C
Baguio City
Friday, January 31, 2025
spot_img

Groundbreaking Ceremony sa pagsasaayos ng daan at kanal sa San Nicolas, San Fernando City, isinagawa

Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga para sa improvement at concreting sa mga daan at kanal sa Barangay San Nicolas, San Fernando City, Pampanga nito lamang ika-25 ng Enero 2025.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay Pineda, kasama sina Former Board Member at Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab, Board Member Jun Canlas, Special Assistant to the Governor Angelina Blanco at Provincial Engineer Noli Pangan.

Nakiisa rin sina Councilor Rose Calimlim, Ricky Hizon, Rosalie Mendoza at Kapitan Jerwin Sembrano. Mahigit P3,980,566.14 ang inilaang pondo ng Gobernador sa pagpapaayos ng daan at kanal na inaasahang matatapos sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Pangan, aabot sa 60cm average ang itataas ng daan at 204.7 linear meters ang haba nito.

Nagpapasalamat naman ang mga residente na maaayos at mapapaganda na ang kanilang daan at maiiwasan na rin ang pagbaha.

“At long last maaayos at mapapaganda na ang daan namin dito sa San Nicolas…maiiwasan na ang pagbaha, wala na ring madudulas,” ani Nanay Tany David, residente ng Sitio Bulusan.

Ang gagawing rehabilitasyon sa daan at elebasyon sa mga kanal ay makatutulong sa maayos na pag-agos ng tubig at para maiwasan ang stagnant na tubig na nagdudulot ng pagbaha sa tag-ulan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles