Buong galak na ipinagdiwang ng bayan ng Asipulo ang ika-33 Anibersaryo ng Pagkakatatag na may temang “Asipulo@33: Beyond All Odds” nito lamang ika-13 ng Enero 2025 sa Asipulo, Ifugao.
Pinangunahan ni Mayor Archie Lee A. Quindo, ang selebrasyon kasama ang iba pang lokal na opisyal ng pamahalaan, na dinaluhan ng mga residente ng iba’t ibang barangay ng nasabing munisipalidad.
Ang selebrasyon ay naging pagkakataon para magtipon-tipon ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang barangay ng Asipulo kung saan nagkaroon ng masayang salu-salo.
Ang ika-33 Anibersaryo ng Asipulo ay hindi lamang isang pagdiriwang ng nakaraan, kundi isa ring paalala ng layuning magpatuloy sa pag-abot sa mga pangarap para sa mas magandang kinabukasan ng bayan.