Opisyal nang sinimulan ang 2025 Municipal Athletic Meet noong Enero 11, 2025 sa Haliap Elementary School, Haliap, Asipulo, Ifugao.
Pinangunahan nina Municipal Mayor Archie Lee A. Quindo at Vice-Mayor Clarence P. Bahingawan, ang makabuluhang kaganapan, na dinaluhan ng mga guro, mag-aaral, atleta, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng naturang aktibidad na palakasin ang larangan ng isports at patatagin ang pagkakaisa ng komunidad.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Quindo ang mga atleta na ipakita ang kanilang pinakamahusay na kakayahan sa iba’t ibang kompetisyon.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagbibigay-priyoridad sa kanilang pag-aaral habang patuloy na nagsisikap na magtagumpay sa isports.
Aniya, ang disiplina at determinasyong ipinapamalas ng mga kabataan sa paligsahan ay mahalagang gabay sa kanilang tagumpay at pag-abot ng mga pangarap.
Ang 2025 Municipal Athletic Meet ay inaasahang maghahatid ng inspirasyon, kasiyahan, at pagkakaisa sa lahat ng mga kalahok at tagasuporta, patuloy na nagkakaisa tungo sa kaunlaran ng bayan.