Naghandog ng Cash Assistance at Vitamin C Supplements ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga Senior Citizen, Bedriddens, Solo Parents at mga Person with Disabilities (PWDs) ng Angeles City nito lamang Huwebes, ika-2 ng Enero 2025.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Tumanggap ng tig Php1,000 cash assistance at Vitamin C Supplements ang mga benepisyaryo na nagbigay tuwa at labis ang kanilang pasasalamat dahil kabilang sa mga prayoridad ni Mayor Lazatin.
Ayon kay Mayor Lazatin, tuloy-tuloy ang kanilang programang nasimulan para sa mga Senior Citizen.