Sinimulan na ng Lingkod Pag-IBIG On Wheels (LPOW) ang paglilingkod nito sa buong probinsya ngayong buwan ng Enero 2025, upang maghatid ng serbisyong direkta sa mga komunidad.
Ang LPOW ay nagsimula sa Lungsod ng San Fernando noong Enero 2 hanggang Enero 4, kung saan marami ang nabigyan ng serbisyo. Susunod nitong pupuntahan ang iba’t ibang bayan ng La Union upang masigurong kahit ang mga residente sa malalayong lugar ay makikinabang sa mga serbisyong ito.
Kabilang sa mga serbisyong hatid ng LPOW ang pagpaparehistro ng miyembro o employer, pag-check ng savings at membership records, at pagsusumite ng aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) at Provident Benefits Claims.
Pinapatunayan ng inisyatibong ito ang dedikasyon ng Pag-Ibig Fund na gawing mas abot-kamay ang kanilang mga programa, at mas mapalapit ang kanilang serbisyo sa publiko upang makatipid ng oras at pagod.
Source: PIA La Union