Sa pagpasok ng bagong taon mahigit 37 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Riverside Compound, Barangay Camp 6, Tuba, Benguet nito lamang ika-1 ng Enero 2025.
Batay sa ulat, hindi bababa sa 37 pamilya o 155 indibidwal ang apektado ng sunog na nangyari ng madaling araw sa araw mismo ng Bagong Taon.
Samantala, may isang nasawi sa nangyaring sunog at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan.
Kasalukuyang iniimbistigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at tinatayang nasa Php10,000,000.00 ang halaga ng naturang pinsala.