Bilang pagkilala sa walang sawang serbisyo at dedikasyon ng ating mga Barangay Tanod, ang pamahalaan ng Bulacan ay naghandog ng munting pamaskong handog noong ika-30 ng Disyembre 2024. Pinangunahan ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, Bulacan, katuwang si Admin Mommy Chariz Galvez-Cabande.
Personal na binisita ang bawat barangay upang maipahatid ang pasasalamat at pagmamahal sa ating mga Tanod na nagsisilbing haligi ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Sa bawat sulok ng barangay, ramdam ang kasiyahan at pasasalamat ng mga Tanod.
Ang simpleng kilos na ito ay patunay ng malasakit ng liderato nina Mayor Gazo at Admin Mommy Chariz sa bawat kawani ng pamahalaan.
Ang aktibidad na ito ay nagbigay ngiti at inspirasyon sa mga Tanod na nagpapatuloy sa kanilang tungkulin para sa kaayusan ng komunidad.
Ang inisyatibong ito ay nagtatampok ng diwa ng pagkakaisa at malasakit ng bawat indibidwal.