20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pagtatapos ng National Children’s Month, isinagawa ng DSWD Field Office 02

Mahigit 100 bata ang dumalo sa pagtatapos ng pagdiriwang ng National Children’s Month na idinaos sa gymnasium ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 Tuguegarao City, Cagayan noong ika 29 ng Nobyembre 2024.

Pinaalalahanan ni Assistant Regional Director for Administration Celso L. Arao, Jr. ang mga magulang at tagapag-alaga na gabayan ang mga kabataan sa positibong paraan habang pinalalago ang kanilang potensyal.

Nakatanggap ng libreng serbisyong legal ang mga magulang, kabilang din sa mga highlight ng programa ang pagpirma sa pledge of commitment upang wakasan ang karahasan laban sa mga bata (Violence Against Children o VAC). Iba’t ibang makabuluhang aktibidad ang inihanda para sa mga kalahok, na karamihan ay mga anak at apo ng mga empleyado ng nasabing opisina.

Ang selebrasyon ng National Children’s Month ay alinsunod sa Republic Act No. 10661, s. 2015, na nagdedeklara ng Nobyembre bilang buwan ng mga bata.

Ang nasabing selebrasyon ay nagpapakita ng pangako ng DSWD FO2 sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga bata bilang mahalagang bahagi ng ating lipunan.

Layunin nito na palakasin ang pagpapatupad ng mga polisiya sa proteksyon ng mga bata upang matiyak ang isang ligtas na kapaligiran para sa kanila at maitaguyod ang kanilang mga karapatan.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles