14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Libreng Anti-Rabies Vaccine, muling umarangkada sa Concepcion, Tarlac

Isang matagumpay na programa ang Isinagawa ng Municipal Veterinary Office ng Concepcion para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac nito lamang biyernes ika-29 ng Nobyembre taong 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Roland Arciga, Municipal Veterinary Office na inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.

Ang serbisyong ito ay naglalayong mapanatili ang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit na rabies na mapanganib hindi lamang sa mga hayop kundi pati na rin sa tao.

Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Concepcion sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang mapanatili ang kaligtas ng kanilang mamamayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles