Nagkaisa ang mga tauhan ng Lamut Municipal Police Station, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at BFP Lamut sa pagsagawa ng road clearing operations sa kahabaan ng Poblacion West, Lamut, Ifugao, nito lamang Nobyembre 17-18, 2024.
Sa kabila ng malakas na hangin at matinding buhos ulan ay pinagtulungan ng mga nasabing grupo ang pagtanggal sa mga kable ng mga natumbang poste ng kuryente, mga sanga at puno na nakaharang sa mga kalsada, at mga gumuhong lupa at tipak ng bato.
Nakiisa rin sa clearing operations ang mga boluntaryong residente upang mas mapadali ang paglilinis sa mga kalsada.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at maayos na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy pa rin sa paghahatid ng tapat na serbisyo ang gobyerno sa mamamayan. Source: Lamut Municipal Police Station