17 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

NPA sa Barrio, sumuko sa Benguet

Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barrio sa mga awtoridad sa Caponga, Tublay, Benguet noong Nobyembre 15, 2024.

Kinilala ang sumuko bilang alias “Jay-ar”, 59 anyos, lalaki, trabahador sa paghahatid ng dumi ng manok, residente ng Banat, Manabo, Abra, at dating miyembro ng Regional Yunit Gerilya (RYG) ng New People’s Army.

Isinuko rin nito ang isang granadang M67, HE. Nabatid na-recruit si “Jay-ar” ni alyas “Empi” noong 1986 at naging miyembro ng RYG ng NPA na aktibo sa mga lugar ng Kalinga at Abra.

Subalit, huminto ito sa aktibong pakikibaka noong 1992, ngunit patuloy na sumusuporta sa NPA.

Ang pagsuko ng tagasuporta at miyembro ng NPA ay nagpapahiwatig ng positibong resulta na epektibo ang mga programa at aktibidad ng pamahalaan upang tuldukan ang insurhensya at terorismo sa ating bayan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles