Umarangkada ang Mobile Kitchen, Hot Meals on Wheels ng Provincial Government ng Cagayan (PGC) sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga mamamayang inilikas dahil sa pagbaha sa Annafunan, Tuguegarao City, Cagayan noong Nobyembre12, 2024.
Sa tala ng PSWDO, aabot sa 689 indibidwal ang nabigyan ng mainit-init at masarap na lugaw na kasalukuyang namamalagi sa Annafunan Integrated School sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa nararanasang pagbaha dulot ng bagyong Nika.
Ang Mobile Kitchen, Hot Meals on Wheels ay isa sa mga programa ni Governor Manuel Mamba, sa ilalim ng disaster response operations.
Layunin nitong maghatid ng masusustansyang pagkain sa mga indibidwal at pamilya sa probinsiya ng Cagayan na lubhang apektado ng pananalasa ng kalamidad.
Source: Cagayan Provincial Information Office