Mahigit 707 na pasyenteng may sakit sa pag-iisip ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa Barangay Concepcion, Lubao, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-31 ng Oktubre 2024.
Matagumpay ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Hon. Lilia Pineda, Vice Governor ng Pampanga. Bawat pasyente ay nakatanggap ng tig-Php1,000, food packs, kalahating kaban ng bigas, libreng gamot at check-up.
Sa pamamagitan ng programang ito, ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang malasakit at dedikasyon sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng higit na atensyon tulad ng mga may kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip.