Nagsagawa ng libreng pagbakuna sa mga alagang hayop ang pamahalaang lungsod ng Angeles sa Barangay Amsic, Angeles City, Pampanga nito lamang Miyerkules ika-30 ng Oktubre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Mayor ng naturang lungsod sa pangangasiwa ni Dr. Christian Xyric Arcilla ng City Veterinary Office.
Nabigyan ng libreng bakuna ang mga alagang aso at pusa ng mga residente sa nasabing lugar na makakatulong upang masiguro na ligtas ang mga ito at maiwasan ang masamang epekto kapag nakagat ang isang tao.
Layunin din ng aktibidad na maturuan ang mga may alagang hayop na maging responsableng tagapag alaga para sa kaligtasan ng bawat isa.
Patuloy ang pamahalaan ng Angeles City sa pagsasagawa ng ganitong programa sa iba pang mga barangay para lahat ng alagang hayop ay mabakunahan para maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit na galing sa mga alagang hayop.