“Rice and Shine 3.0, inilunsad sa Baguio” Inilunsad ng Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB) ang “Rice and Shine 3.0” sa SM City Baguio Mall noong Oktubre 3, 2024.
Ang aktibidad ay nilahukan ng iba’t ibang establisyemento tulad ng Baguio Country Club /The Other Office, Citylight Hotel, Hill Station /Mario’s Restaurant, Hotel Supreme Convention Plaza, Lafaayette Luxury Suites Baguio, MV Alabanza Longganisa, The Manor at Camp John Hay / The Forest Lodge, Camp John Hay at The Orchard Hotel Baguio.
Ang 12 na kalahok na mga establisyemento ay naghain ng 15 uri ng pritong kanin na sapat para sa 15,000 hanggang 16,000 katao.
Layunin ng aktibidad na palawigin ang lokal na agrikultura, pagpapalakas ng ekonomiya at pagtatampok sa kultura at tradisyon ng rehiyon.