16.1 C
Baguio City
Monday, September 30, 2024
spot_img

Kauna-unahang Reservists Day, isinagawa sa Bayan ng Alicia, Isabela

Halos dalawang daang standby reserve ang nakiisa sa kauna-unahang Reservists Day kasabay ng Mustering of Standby Reserve sa bayan ng Alicia, Isabela noong ika-27 ng Setyembre 2024.

Ayon kay Col Michael Aquino, Director ng 202 Community Defense Center ng 2nd Regional Community Defense Group (2RCDG) RESCOM, naglaan sila ng dalawang linggo katuwang ang LGU- Alicia upang matunton ang lahat ng mga standby reserve.

Ang standby reserve ay mga indibidwal na nakapagtapos ng kanilang Reserve Officer Training Corps (ROTC). Sa isinagawang pagtatala nabuo ang humigit kumulang isang libong reserve.

Ang suportang ito ng LGU-Alicia ay nakasaad sa isang Memorandum of Agreement na nilagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng 202CDC, 2RCDG, RESCOM.

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang samahan ng mga reservists sa nasabing bayan upang ihanda sila sa anumang hamon gaya ng banta sa seguridad at paghahanda sa epekto ng sakuna o kalamidad.

Source: 5th Infantry Division

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles