Namigay ng libreng bigas at tulong pinansyal ang Lokal na Pamahalaan ng Paniqui sa mga masisipag na kargador sa Paniqui, Tarlac nito lamang Miyerkules ika-25 ng Setyembre 2024.
Ang naturang proyekto ay pinamunuan ni Mayor Max Roxas at Vice-Mayor Bien Roxas. Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo dahil sa walang sawang pagtulong sa kanila ng lokal na pamahalaan ng kanilang lugar.
Layunin nito ang mapagtibay ang ugnayan ng pamahalaan at komunidad sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa Bagong Pilipinas.