18.1 C
Baguio City
Sunday, September 29, 2024
spot_img

Mga Armas Pandigma ng NPA, narekober sa Ifugao

Narekober ng mga awtoridad ang mga armas pandigma ng New People’s Army (NPA) sa Lamut, Ifugao nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Lamut Municipal Police Station mula sa BIN hinggil sa umanoy mga armas pandigma ng NPA na natagpuang nakabaon sa lupa malapit sa Munhipok Irrigation.

Agad namang nagtungo ang mga tauhan ng Lamut MPS at nakipag-ugnayan sa Provincial Intelligence Unit ng Ifugao Police Provincial Office, Ifugao Provincial EOD and Canine Unit (PECU) at 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company.

Nabatid na ang mga narekober na armas ay kinabibilangan ng isang MK2, HE hand grenade, isang M18 smoke hand grenade, apat na HE without BT 40mm rifle grenade, at siyam na HE 40mm cartridge. Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko tungo sa pagkamit ng isang maayos at maunlad na komunidad.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles