17.3 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Magsasaka, nakiisa sa TUPAD Payout ng DOLE

Naghatid ng libreng Mobile Gamutan ang lokal na pamahalaan ng San Ildefonso para sa mga residente ng Barangay Upig, Pasong Bangkal at Bagong Barrio, San Ildefonso Bulacan nito lamang Lunes, ika-16 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, kasama ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nunez at Pambayang Tanggapan ng Nutrisyon sa pamumuno ni Ms. Ma. Eunice Vanguardia.

Sa pagpapatupad ng aktibidad, nagkaroon ng mga libreng serbisyo tulad ng Medical Check-up, Laboratory Examinations, Dental Check-up at libreng eyeglasses para sa mga senior citizens.

Nagkaroon din ng Sanitary Inspection sa Barangay at Health Promotion Activity, Bedridden Check-up, Feeding Program, at Vitamins para sa mga bata at buntis na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente sa nasabing mga lugar.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa mga mamamayan at komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo pangkalusugan.

Ito ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pangunguna ng lokal na pamahalaan at angkop sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon na mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga Pilipino.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles