Tinanggap ng nasa halos dalawang libong benepisaryo ang tulong pinansyal sa Gymnasium ng 17th Infantry Battalion, Bravo Coy, Philippine Army sa Barangay Gaggabutan West, Rizal at Municipal Gymnasium sa Piat, Cagayan nito lamang Setyembre 09, 2024.
Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba ang isinagwang pamamahagi sa mga benepisaryo sa ilalim ng Oplan Tulong sa Barangay / No Barangay Left Behind” o NBLB Program.
Ang mga benepisaryo ay mga barangay tanod na nakatanggap ng tig-P2,000; Day Care Workers (DCW) na tumanggap naman ng P3,000; Barangay Health Workers (BHW) at Nutrition Scholars na mayroon ding tig-P2,000, at 4Ps beneficiaries na P1,000 mula sa 29 na barangay ng Rizal at 18 na barangay sa bayan naman ng Piat.
Kasama sa distribusyon si Provincial Treasurer Miles Mallonga, OIC ng Provincial Office for People Empowerment (POPE) Pio Matammu, mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Health Office (PHO), One Cagayan Convenor Ret. Gen. Edgar “Manong Egay” Aglipay, Mayor Joel Ruma, mga opisyal ng bayan ng Piat at ilang mga barangay chairmen, PNP Rizal at 17th IB, PA. (BADZ HERALDE)
Source: CPIO