Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang pag-preposition ng stockpile ng DSWD Field Office 1 sa mga Regional at Satellite Warehouses ng buong Rehiyon Uno nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024.
Nasa 800 na Family Food Packs (FFPs) ang naihatid sa Regional Warehouse sa Laoag City, Ilocos Norte mula sa Regional Warehouse, Biday, City of San Fernando, La Union.
Samantala, 3,750 FFPs naman ang naihatid sa Satellite Warehouse sa Sta. Barbara, Pangasinan mula sa supplier ng DSWD.
Ang ginagawang preposition ay bahagi pa rin ng paghahanda ng Kagawaran sa mga posibleng augmentation sa mga apektadong Lokal na Pamahalaan dulot ng mga bagyo.