Maagang pamasko ang inihandog ng lokal na pamahalaan sa mga senior citizens ng Barangay San Jose De Urquico, Armenia at Caranglan ng Tarlac City nito lamang Martes, ika-3 ng Setyembre 2024.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang si Hon. Vic Angeles, Presidente ng Tarlac City Senior Citizens.
Labis ang tuwa ng mga senior citizens dahil nakatanggap ng cash assistance mula sa lokal na pamahalaan at food packs naman mula sa presidente ng senior citizens.
Layunin ng aktibidad na maiparamdam sa mga nakakatanda ang pagpapahalaga at pagmamahal ng gobyerno.