23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Ang Ipinagmamalaking Bluewater Falls at Kuweba ng Baggao

Sa tahimik at payak na bayan ng Baggao, Cagayan dito ay matatagpuan ang isa sa mga ipinagmamalaki nilang magandang pasyalan para sa mga mahilig mag-adventure.

Ang makapigil-hiningang tanawin at kapana-panabik dahil sa rolling terrain at snaking river crisscrossing ito ay isa sa mga dinadayo nila dahil paikot-ikot na paglalakbay at maburol na tanawin kasabay ng pagsalubong at napapaligiran ng kahanga-hanga at nakakamanghang tanawin ang malawak na kagubatan ay nangingibabaw sa tanawin.

Kasabay nito ang paglanghap at pagprotekta ng malamig at sariwang hangin sa mga bisita na dumadayo para mag-unwind.

Isa sa nagustuhan ng mga dumarayo ay dahil sa murang registration fee kasama na ang vest na gagamitin sa mismong pupuntahan.

Habang naglalakad, dito naman maitatampok ang trail alternating mild ascends at maraming recovery. Dito na unti-unting maririnig ang bumubulusok na tubig na senyales na malapit sa falls, dito nakakamangha ang nakatagong ningning nito, dahil sa pool ng esmeralda na tubig na umaagos sa mga puting bato.

Pwede ng simulan at subukan ang nagyeyelong malamig na tubig nito nariyan din ang mga ibang turista na tumatalon mula sa matataas na talon.

Habang ineenjoy ang pag-aadventure, 24 na talon ang madadaanan para marating din ang bukana ng Bluewater cave, pwedeng magpicture para sa memorable na adventure, maaari din enjoyin ang medyo mahirap na pagspelunk. Marami din dito ang mga kagiliw-giliw na rock formations at ilang kumikinang na may mga kristal.

Isa lamang ito sa mga maganda at enjoying na pasyalan sa Cagayan.

Sa panulat ni Emmat

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles