Namahagi ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Paniqui ng libreng gamot para sa mga residente sa Paniqui, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-8 ng Agosto 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Max Roxas, Mayor ng Paniqui.
Labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong medikal na hatid sa kanilang lugar.
Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyong medikal.