16.6 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

LGU Mangaldan, nagsagawa ng Special Recruitment sa mga aplikanteng nais magtrabaho sa Hongkong at Singapore

Muling nagbigay ng pag-asa sa mga kababayan na naghahangad na makapaghanapbuhay sa abroad ang isinagawang Special Recruitment Activity (SRA) ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) Mangaldan sa Municipal Wellness Center nitong Lunes, Agosto 5, 2024.

Katuwang ng PESO Mangaldan ang Aquavir International Inc. Recruitment Agency na naglalayong magbigay trabaho sa ating mga kababayan sa Hongkong at Singapore bilang Domestic Helpers (DH) at caregivers.

Ayon sa PESO Mangaldan, ang mga papasa sa preliminaries ay uusad sa recruitment process at tatawagan ng Aquavir International Inc.

Hinikayat ang mga nais maghanap ng trabaho na manatiling nakaantabay sa Public Information Office-Mangaldan, Pangasinan para sa mga susunod pang recruitment activities na handog ng Lokal na Pamahalaan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles